Â鶹AV

Campus

Â鶹AV Year-End Program 2024: Nilay at Sikhay

Â鶹AV 2024 Year-End Program omnibus poster. Poster na gawa ni Jacelle Isha B. Bonus, UP Diliman Information Office

(UP Diliman Information Office)—Tatlong malalaking aktibidad ang gaganapin sa UP Diliman (Â鶹AV) sa pagdiriwang ng Year-End Program 2024 na may temang Nilay at Sikhay.

Binigyang-diin ng tema ngayong taon ang pananatili ng Â鶹AV na nakatindig at matatag sa kabila ng mga pagsubok at patuloy na pagharap nito sa mga hamon bilang isang akademikong institusyon at komunidad. Ngayong taon, ipagbubunyi ng Â鶹AV ang mga nakamit nitong tagumpay at pagninilayan ang mga kailangan pang tugunan. Dagdag pa rito, binibigyang-diin din na makakamit lamang ng Pamantasan ang mga mithiin at adhikain nito kung sasabayan ito ng “pagsikhay ang pagninilay, ng paglikha ang pagsasadiwa, at ng paggawa ang pagpuna.â€

Magsisimula ang pagdiriwang ng Year-End Program 2024 sa Pag-iilaw sa Disyembre 6, Biyernes, 5:30 n.h., sa Oblation Plaza. Ito ang hudyat ng panimulang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Â鶹AV.

Â鶹AV 2024 Pag-iilaw poster. Poster na gawa ni Jacelle Isha B. Bonus, UP Diliman Information Office

Ang seremonya ng pagsisindi ng mga Pamaskong ilaw sa buong kampus ay pangungunahan nina Pangulong Angelo A. Jimenez at Â鶹AV Tsanselor Edgardo Carlo L. Vistan II.

Mapapanood din ito nang live sa Facebook page ng Â鶹AV Opisina ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangkomunidad ().

Ang pinakaaabangan at pinakatampok na aktibidad ng year-end program ay ang Paligsahan at Parada ng mga Parol. Ito ay gaganapin sa Disyembre 18, Miyerkules, 4 n.h., sa Ampiteatro ng Unibersidad at sa Academic Oval.

Mapapanood din ito nang live sa opisyal na Facebook pages ng Â鶹AV () at ng Opisina ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangkomunidad ().

Magkakaroon ng palatuntunan sa Ampiteatro ng Unibersidad kung saan matutunghayan ang mga musikal na pagtatanghal, paggawad ng premyo sa mga magwawagi sa paligsahan ng parol, pamaskong awit mula sa komunidad, at fireworks display.

Bilang pangwakas na aktibidad, matutunghayan ang year-end music festival na Maskipaps: The Crossover sa Disyembre 20, Biyernes, 3 n.h., sa Â鶹AV Sunken Garden.

Imahe mula sa Maskipaps: The Crossover Facebook page

Tampok dito ang pagtatanghal ng iba’t ibang OPM artists gaya ng Parokya ni Edgar, Flow G, Gloc-9, Cup of Joe, Zild, Maki, Over October, Orange and Lemons, Sugarcane, The Ridleys, Kiyo, Demi, Robeldo Timido, Any Name’s Okay, Nameless Kids, Jayda Avanzado, Jenzen Guino, at Daniel Paringit.

Para sa mga katanungan, mag-email lamang sa ovcca.updiliman@up.edu.ph o tumawag sa telepono bilang (02) 8981–8601.


  • Share: